Ang karanasan ng bawat OFW sa bawat sulok ng mundo ay magkakaiba; mayroong mga nagtatrabaho sa barko, mayroong mga DH, may mga nars, at mayroon ding mga professional sa halos lahat ng klaseng trabaho. In almost every corner of the globe, Filipinos are almost always present. And even though the specific experiences of our kababayans working in different settings across the seven continents are as varied as the individuals themselves, there are common themes that many Filipinos who leave our beloved homeland (whether they are alone or they are accompanied by family and friends) experience. These common experiences can be classified under two categories, namely: cultural adjustment and a sense of isolation.
Sakop ng tinatawag na cultural adjustment ang paninibago sa banyagang kapaligiran, kaugalian at kultura. Kasali dito ang mga sumusunod:
§ Ang paninibago sa pagkain, pananamit, at pang-araw-araw na gawain sa ibang bansa;
§ Adjustment to weather conditions and climate changes;
§ Ang pagbibilang ng halaga ng mga bilihin at kung magkano lang ang mga ito sa Pilipinas;
§ Changes to one’s lifestyle and pace of life, including daily routines;
§ Ang pagtitipid para makapagpadala ng mas malaki sa pamilya na naiwan sa inang bayan;
§ Different (and usually better) public amenities and facilities available;
§ Ang kakulangan ng pag-unawa sa pagitan ng OFW at ng mga kasamahang banyaga; at
§ Ang kakaibang paraan ng pakikipagkaibigan at pakikihalubilo sa mga foreigners;
Ang isolation ay ang pagkalumbay na nararanasan ng marami, kahit na mayroong mga ibang kasamahang Pilipino sa kapaligiran. Kasali dito ang paghahanap ng mga bagay na nakasanayan sa inang bayan, gaya ng mga programa sa telebisyon, komiks, at pagkain. This sense of isolation is often observed through the following behaviors:
§ Kalungkutan, pagkalumbay, pagtitiis sa mga hirap na dinaranas;
§ Yearning for friends and loved ones back home;
§ Mistulang nawawalang kumpiyansa sa sariling kakayahan;
§ Insecurity over one’s abilities and being unsure of how one compares to foreign colleagues;
§ Paghangad na makapag-salita sa sariling wika; at
§ Kawalan ng gana sa maraming bagay.
No comments:
Post a Comment